Wednesday, January 18, 2006

Eraserheads nga naman

Ilang taon nang lumipas. They still haven't lost their magic. Mag-aalas tres na't nasa opisina pa din kami. May tinatapos na trabaho. OT ika nga...Pero tumutugtog ang Eheads. Haneeep. Gising na gising pa rin ako. Kani-kanina lang sinisipon pa ko, kinakabahan na manghina. Bawal magkasakit sa mga panahong 'to. Pero ang sarap, sarap, sarap lang uli makarinig sa boses ni Ely, tugtugan nila Raymund, Markus at Buddy. Akala ko college, high school, grade school ako uli!! Blast from the past. Haneeeep.

Wala na ata akong ibang bandang minahal pa. Pero bwiset, bat kailangang magkahiwa-hiwalay pa sila. Kailangan bang isabuhay nila ang kasabihang, all good things must come to an end. bullshyeth. Kung may magic lamp lang ako ngayon sa tabi ko, iwiwish kong sana ibalik ng genie ang dating tuwa, saya, at kakaibang musika ng tunay at nag-iisang Eheads. Yun, plus 1million more wishes. Syempre madami pa kong gustong hilingin.

Fine, world peace malamang isa dun. Atsaka sana masaya forever and ever ang lahat ng mga mahal ko sa buhay. Okay. Lahat na sa mundo.

At isa pa, sana manalo kami sa 6/45 at 6/49 mega lotto.

Wooooo-hooo!!!

No comments: