Friday, May 18, 2007

Simple Pleasures

Ang sarap.
Yung tipong napapatingala na ko sa langit,
minsan napapapikit,
napapanganga pa nga't
muntik tumulo ang laway.
"Aaah...aa-aahhhhh..hmmmmm"
With matching kinikilabutan ng kaunti.
May tingling sensation crawling down my spine
(much like that feeling when you have your hair
shampooed at the salon...hrmmmm...)

Yan. Yan ang pakiramdam habang unti-unting tinutuklap nila Ria at Milette ang langib mula sa likuran ko. Produkto ng ka-shongahan dahil di naglagay ng sunblock sabay nagbilad sa arawan nang mahigit 5 oras siguro.

Basta. Masarrrrap.
Malamang makakatulog na ko nang mahimbing ngayong gabi.
Di na pabale-balentong dahil di maintindihan kung paano ba dapat ilapat ang makating likod sa kama. Kasi ganito yun...para kang may bungang araw na bawal mong kamutin o ikiskis man lang sa poste. Pwede mo lang palu-paluin para wag masyado mangati. Pero yun lang. Aaargh. At ang init pa ng likod ko.

Bukas, hinog na ang balikat ko't lower back. Yun naman ang sunod na tutuklapin. Hrrrrmmmm.