Thursday, March 30, 2006

Reconnecting

Last night I went to dinner with my high school friends. And it just feels so good to reconnect…not only with old friends, but with my old self. Parang walang lumipas na oras habang nagkwentuhan kami uli tungkol sa mga dating pangarap, dating pananaw, dating mga hinaing. Alam naming may mga nagbago na, pero ang sarap lang uli makasama nung mga taong ka-antabay mo habang binubuo mo pa lang yung mga panaginip mo; at alam mong di ka nila huhusgahan kung di mo pa man yun naaabot, o kung nagbago man ng tuluyan ang mga inaasam-asam mo. Basta alam mong masaya sila para sayo. At masaya ka rin para sa kanila. Walang regrets. Masarap. Nakakarecharge.