Ang sarap isipin na sa panahon ngayon, may mga taong ayaw pa ring iwan ang bayan.
Sa totoo lang, hindi naman ako ganun ka-desedido pumunta. Nung inemail nga ni didi sakin yung invitation, di ko pa nabasa ng maayos. Buti na lang nagtext sya. Nagtanong uli kung may balak ba ko sumama. Nung una, nahihiya lang ako magdecline. Pero…ewan. Parang sa kaloob-looban ko, merong gustong sumama sa Quezon.
And now I’m back on my cube. But the past two days were amazing. Dati, akala ko, Boracay lang ang katapat ng pagod na utak. Pag bagot na ko, iniisip ko lang ang putting buhangin, ang kumiskislap-kislap na tubig na wari bang tinatawag ang pangalan mo sa bawat pag-alon. Ang hangin na bumubulong sa tainga mo at walang ibang sinasabi kundi, “Mainit ba? Lublob ka na, tara.”
Pero yung trip sa General Nakar, hindi ko makakalimutan. Ang daming firsts.
Teka, teka…akchwali, kaya ko ‘to sinulat, takot akong makalimutan yung mga detalye. Minsan kasi may paraan mag-edit ang utak ko. Yung gist lang ang natatandaan. Basta yung thought lang na nag-enjoy ako. Period.
Sayang naman kung mabaon lang sa limot yung mga pangyayari ng April 2-3. Kaya’t heto na.
Ang daming Firsts.
First time kong makakita ng alitaptap. Astig. Parang bulalakaw na malapit lang sa kamay mo. Sayang, ang bilis nga lang lumipad papalayo.
First time kong makakita ng kalabaw na nagkakamot ng tenga gamit ang kanyang hind leg. Akala ko, aso lang ang gumagawa nun. Kapag kalabaw ka, igagalaw mo lang ang tenga mo para mabugaw ang makulit na langaw. O kaya, magdasal at umasang aalis na lang ang makulit na insekto ng kusa. Hindi pala. Either marunong lahat ng kalabaw magkamot ng tenga gamit ang hind legs nila…o nagyoyoga yung kalabaw na nakita ko.
It was the first time I listened to a soldier, and saw the Filipino behind the army suit. And I was thankful, not frightened to see that they were there. After all, that was Quezon and it’s known to be a place where NPA’s hold their fort. Pero narinig ko mula sa iba naming kaibigan na ayos naman pala ang mga NPA at sundalo sa Quezon, yung iban nga, nag-iinuman pa. Kasi nga naman magkakapitbahay sila. Pero para lang siguro makampante ang mga volunteers na nasa site, binantayan na din kami ng mga sundalo. Mabuti na rin yun, para kampante ang mga magulang naming kapag nagtetext kami sa kanila para mag-update kung kamusta nga naman kami.
Weniwei, back to the sundalo story.
Kinwento nya yung tungkol sa mag-amang may dalang kalabaw. Sa ibang versions, donkey ang dala nila. When the son was riding on the carabao’s back, people criticized him for not letting his old father take the ride. When the father rode on the carabao, people still criticized him for not letting his young son ride on it instead. Nung nalito na ang mag-ama at ayaw nang mapulaan, di na lang nila sinakyan yung kalabaw.
Nang ganito ang ginawa nila, ang sabi ng mga nakakita, “Mga tanga, may kalabaw, ayaw naman gamitin”
Ayaw ko na halos makinig sa kwento nya, kasi nga naman, alam ko na yung ending. Sino bang hindi.
Pero yung punchline ni manong, tinablan ako. Sabi nya, yung mag-ama daw kasi, parang ang gobyerno natin, kahit na anong gawin, siguradong mapupulaan, mahahanapan ng mali.
Oo nga naman. Syempre, parang tayo lang yan. Can’t please everyone ika nga.
Pero sa totoo lang, naawa ako kay Lt… (Ano ba yan, nakalimutan ko ang pangalan nya. Russell ata…) Kasi nagtatrabaho sya para sa gobyerno. Sundalo pa din sya, kahit alam nyang kaunti na lang ang naniniwala sa kakayanan nyang magsilbi.
Hayyy. Sino ba naman sa atin ang nakakakita ng mga opisyal ng army at gobyerno na ang gagara ng mga sasakyan at hindi alam kung kaninong bulsa ba nanggaling ang pambili. Linchok na. Ang hirap ditto, sa sobrang talamak ng nakawan, parang lehitimo na.
Tapos, yun lang naman kasi ang madalas nating Makita. Di natin naalala kung sino yung mga nasa ilalim ng mga opisyal na nagpapaksasa sa erkon na bahay at magarang kotse.
Tulad nung mga sundalong kasama namin nun. Natuwa nga daw sya at nakasalamuha ang mga sibilyan. At least may opportunity naman silang maipakilala ang tunay na intensyon nila na magsilbi.
Hindi lang sila nagbabantay dun ha. Sila mismo nagbubuhat ng hollow-blocks. Nagbubungkal ng lupa. Naghahalo ng semento. Nakikipagdaldalan. Pinapawisan. Nauuhaw. Nag-iintay kung kelan kaya magb-break para makakin ng pandesal. Natutuwa dahil unti-unting nabubuo ang mga bahay.
Nakakatuwa. Nakakapangilid pa nga ng luha. Ang sarap isipin, na eto, eto ang mga kababayan ko.
Ang hirap kasi kapag andito ka lang lagi sa Maynila. Nakakulong sa opisina, lalabas sa mall para magpalamig at mag-aliw. Uuwi ng bahay nang pagod kaya di na halos makapagkwentuhan sa kapamilya. Matutulog para bumangon uli at ulit-ulitin ang parehong mga pangyayari.
You see the same things and get numbed by the idea that this is it. We’ve got nothing else to do but get used to the fact that this is how it’s been and this is how it’s going to be even when we have kids of our own.
Matraffic, madami pa ding mahirap. May mga mayayaman na gumigimik sa Makati. Yung mga minalas na pinanganak na mahirap, malamang pati mga anak nila ganun na din. Yung mga mayayaman, kundi man mabawasan ng konti ang kayamanan, malamang yayaman at yayaman pa rin. O kaya aalis ng bansa dahil sawang-sawa na sila makakita ng pangit.
Pero ganito na lang ba talaga?
Nung Sabado’t linggo, nakita ko na HINDE. Hindi talaga, kasi may mga Pilipino pa ding gustong tumulong. May mga tao pa ring nagsasabing ‘Ayaw kong iwan ang bansang ‘to. Mahal ko ang Pilipinas”
At hindi sila tumatakbo sa eleksyon ha. O naghahanap ng taong mapapa-impress. Sinasabi nila yun kasi totoo.
Ang sarap. Ang sarap marinig. Na may mga taong naniniwala pa din na aayos pa ‘tong bansa natin. And the best part of it all was that they were doing something about it.
First time kong sumama sa mga Couples, Singles, at Youth for Christ. Kasama din namin ang mga SIGA. Halo-halo, iba-ibang eskwela, probinsya, o kung ano pa man. Basta gusto lang tumulong. Magtayo ng bahay.
First time kong nasampal ng katotohanang tumatanda na nga talaga ako. Well, syempre, paminsan-minsan, naiisip ko na yun. Kahit na naipako na sa 21 ang edad ko, di ko pa rin matakasan na totoo, malayo na sa ‘teen’ ang actual age ko.
Well, di pa naman sobrang tanda. (Ayaw talagang pakawalan) Pero hindi na yung tipong madaling makipagsabayan sa energy level ng mga tunay na bata. (tubog lang pala akoh!)
Basta, iba pala. Nung mga 17-19 ako, ang tingin ko talaga sa mga taong 23 pataas…matanda na. Hindi naman tipong lola-ic, pero iba na. Iba na ang humor, iba na ang prinsipyo sa buhay, iba na ang mga priorities…
Hmmm, looking back, mejo iba nga. Pero in essence, ganun pa din. Gusto pa ding magkaron ng stable na trabaho, magkapamilya, yumaman! Makatulong sa iba, sana.
Kaya lang, naiiba ang order pag tumatanda ka. I-jumble jumble mo na lang. Basta pag bata ka, iba. Pag tumanda… ewan. Basta yun.
To be continued
(michelle, Lyle, YFC people, Golda)
Masakit na balat, likod. Pero masayang puso.
Deprive yourself of some comforts sometimes…
Tuesday, April 05, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment