...
Ang karugdtong ng kagabi.
...
Totoo pramis. Wala kasing tubig at kuryente doon sa site. Kaya kung gusto mong maligo, either dun ka sa bukal maligo, o mag-igib ka't maglakad ng ilang daang metro bago makarating sa banyo. Tamad pa man din akong maligo. Eto, ibang level na. Kundi lang ako nanlilimahid sa libag, semento, pawis at kung ano-ano pang elemento, di na lang ako naligo.
Pero ansarap ng feeling pagkaligo ha. Parang gumaan ako by 2 lbs.
Eto pang isang first.
First time kong matulog sa tent. Buti na lang pinahiram kami nila Duane. Sakto lang kami ni Maui sa pulang small-sized Coleman tent na dala ni Mike. Ayus sana yung posisyon namin dahil nasa may lilim. Kaso may malaking bato sa ilalim ng tent namin kaya dapat dahan-dahan kang hihiga, kundi baka masapul yung likod mo.
Kinabukasan, nagmisa sa site. Di ko na kinaya mag-build uli. Bukod sa masakit na ang likod, braso, at balat ko...Mas malaking concern ko ay ang katamaran kong maligo pa uli bago umuwi. Nakakahiya man, pero totoo. Tinatamad na kong mag-igib uli sa malayo para maligo uli. Kaya kung pwede lang wag na kong gumalaw kinaumagahan para wag nang mamawis at mamaho bago makauwi sa Maynila.
Onga pala, meron pang isang first.
First time kong makipagchikahan sa mga sundalo. Kinabahan nga si Maui. Kasi ganito yung takbo ng chikahan namin ng isang magiting na myembro ng Philippine Army.
Macho Sundalo: Taga-Manila ba kayo?
Cey & Maui: Opo.
Macho Sundalo: A talga? San sa Manila?
Maui: Sa _______
Cey: Ako po sa Mandaluyong. Sa loob.
Macho Sundalo: (nakikisakay sa lokohan) A talaga, sa loob? Saan dun?
Cey: Sa Pavillion 5 po.
Macho Sundalo: Aba! Ba't ka naman napasok dun? May pagka- loko ka siguro (basta something to that effect. Nakikipag-joke din kasi sya)
Cey: Hindi naman. Pinasok ako sa Mental matapos akong manapak ng sundalong nang-aasar sakin. Bwehehehe.
Maui: Nervous laughter.
Ayan. Magaling. Hindi na mawawala ang gist ng General Nakar experience ko. Buti na lang nagyaya sila Duane & Didi. Heto nga pala ang mga bagong friends from YFC EA--Pat, Derrick, Aaron, Patrick, Galo, Jayson, John, Love, Michelle, Tracy, yung isa pang matangkad at mabait na kabarkada nila, AR, RJ, Mike. Pati yung mga naging instant Titos & Titas from CFC, sila Tita Roda, Tito Tonie, Tito who rode in front of the van nung pauwi from Quezon :)
Yung mga bahay, di pa namin tapos. Tuloy-tuloy pa ang daloy ng mga tao. Ang goal ay ang makapagtayo ng 120 houses sa site. Parte ng 7700 houses in 7 years goal ng Gawad Kalinga.
Ang ganda pala ng slogan nila: Bawat Pilipino Bayani.
Back to my previous point. I got more than what I gave...Ayan na naman, nagpapaka-feeling-mabuting-Kristyano ako kaya sumama. Feeling ko, nagbigay ako sa kapwa. Pero sa totoo, mas madami akong nakuha. Mukhang di ko na kailangan i-explain. Ibang klase yung saya at recharge ng pag-asa't paniniwala uli sa bansa ang nakuha ko nung araw na yun. Sana, sana lang e di naman yun ang huli. Sana din, lahat ng mga batang nakasama namin dun, akchwali, lahat ng mga sumama sa build na yun, patuloy maniwala na ookey sa owrayt pa 'tong Pinas.
Sabi nga ni Maui, sayang nga lang...bakit tuwing weekends lang pwede gawin yung mga ganitong bagay? Bakit nga ba? Gusto kong isipin na pwede namang habang ginagawa natin ang mga kanya-kanya nating mga trabaho e may magawa pa rin tayo para sa ikauunlad ng bansa.
Ano ba 'to, parang boses politiko.
Pero gets mo naman ang punto ko diba? Pwede kaya yun? Pwede dapat e. Di ko pa lang sigurado, as in concretely grasp the idea of how to go about it exactly.
Siguro, sa ngayon kahit pakonti-konti muna. Pero dapat atang malaman na kung pano kaya talaga; sa lalong madaling panahon.
Friday, April 08, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment