To be continued(michelle, Lyle, YFC people, Golda)Masakit na balat, likod. Pero masayang puso.Deprive yourself of some comforts sometimes…
Sorry ha, ilang beses ko na atang sinabing nakakatuwa, nakakatuwa. E kasi, wala na akong ibang masabi. Basta SOBRANG NAKAKATUWA. Approximation lang yun sa lagay na 'yun.
Biruin nyo, may mga taong pumunta doon, nakisama sa Kalinga Luzon out of their own accord. Hindi school activity. Walang pumilit sa kanila. Gusto lang nila tumulong. Sa tingin nila gusto lang nilang gumawa ng paraan para kahit papano, kahit sa maliit na paraan may magawa naman sila sa bansa.
May mga nakilala kaming taga-Miriam. Sila Golda, Marian...at si... Naku, ang hina ko sa pangalan. Pero in fairness, naalala ko naman ang itsura nya. Kami, 2 days lang sa site, etong mga batang 'to, isang linggo halos. Ibang klase! Tapos nagyayaya pa nga silang bumalik. Mag-organize daw kami minsan ng build uli.
Walang grade na katapat. Pero pumunta ang mga estudyanteng to.
Eto pang mga nakakabilib na taong nakilala ko: Si Lyle, isang full-time missionary para sa YFC. Ka-edad ko lang, tapos yun yung napili nyang tunay na trabaho. Tapos mukhang masaya sya.
Si Michelle, isang teacher sa Holy Spirit. Graduate ng Ateneo. Mahilig mag-volunteer sa mga clean-up sa Manila Zoo, feeling ko nagk-Kythe din sya dahil na mention nyang nakapag-alaga na din sya ng mga batang may cancer, tumanggi sa isang high-paying job dahil nalaman nyang yung Kanong boss nya ay nag-utos na hinding-hindi, under any circumstances, nila aaminin sa mga customers na kausap nila na mga Pinoy sila.
Nabad trip nga daw yung pamilya nya nung ginawa nya yun. Pero pinanindigan nya yung prinsipyo nya.
Hanep. May mga nagtatanong daw sa kanya kung bakit ba nya ginagawa yung mga bagay na yun. Wala namang perang kapalit o kung ano pa man. Simple lang ang sagot nya, "Mahal ko ang Pilipinas."
Potek. Pareho siguro tayo ng iniisip. Yung mga taong ganun, pinagtatayo na ata ng rebulto. Sobrang rare. Ilang beses sa isang taon lang ata ako nakakarinig ng ganun. Madami every 4 years, bandang Mayo. Lalo't pag malapit na ang bilangan ng boto.
Sa dalawang araw namin sa Quezon, hindi ko talaga makakalimutan kung gaano kasarap ng pakiramdam tuwing naririnig ko ang mga salitang iyon. Seryoso, may mga Pilipino pang nagsasabing ayaw nilang iwan ang Pilipinas.
At hindi sila tinutukan ng baril para sabihin ito.
Nung narinig ko nga si Michelle magsalita, parang napatanong din ako sa sarili ko. Ako ba, anong ginagawa ko dito?
Yung totoo? Nagpapaka self-righteous. Para may masabi naman akong may nagawa ako para sa bansa. Kahit papano. Oo na, anong tulong ba naman ang magagawa ng pagbuhat ng konting hollow blocks at pag-halo ng semento. (Pero in fairness, hindi sya madali ha) Anong magagawa ng pagtitiis ng init at pagkasunog ng balat (e uso naman ang tan ngayon dahil summer). Did I really make a difference?
Gusto kong sabihing oo e. Gusto ko talaga.
Pero isang bagay ang mas sigurado ko. I got more than what I gave.
Oo, nakakapagod. Jahe pa ang amoy pagkatapos magbuhat, magbody-building gamit ang pala at malapot na semento, at magbilad sa araw. Hassle maligo dahil mag-iigib ka pa sa bukal...
to be cont.
Thursday, April 07, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment