Should life be made up of a series of Sissyphian tasks?
Will this ever really end?
--thoughts on Sapphire
Thursday, April 21, 2005
Wednesday, April 13, 2005
Guardinero at Green light: Mga Kwentong Sabado
Exam season na, kaya sinamahan ko na lang si Regi mag-aral. Sarado na ata pati main lib sa UP, kaya sa Katipunan na lang kami tumambay. Habang kumakain ng pizza, I got distracted by some movement at my right side. Up, down. Up-down. Pag tingin ko, si Manong Guard, nagbubungkal ng lupa. Sa labas kasi ng bintana ng Pizza Hut, may maliit na flower bed.
Tapos, ang mabuting guardia, imbes na tumambay lang at magbantay sa labas ng pinto, seemed to have cooked up a method to while away the time more productively. He started to remove the dead plants from the soil. After a while, he was already re-planting new ones. It was amusing to see him.
Well, it wasn’t exactly appetizing. After all, we were eating the vegetarian pizza (feeling nagpapaka-healthy e hello, pizza kaya yun. Unhealthy to start with…) and it was weird to see plants being uprooted (with bits of soil falling from the roots) while I shoved green leafy vegetables into my mouth.
Nevertheless, it was a happy scene to remember on a Saturday afternoon. A man in a guard’s uniform happily tending a mini garden right outside the pizza place. When he was done replanting, he tenderly maneuvered his scissors to trim off the leaves from this side, and there, to give the plants a 3d cup shape.
Afterwards, he poured water on the thirsty soil, as if to say, “O ayan, inom muna kayo. Tapos tulog muna kayo mga anak.”
Right there, outside Pizza Hut Katipunan was a man who went beyond the call of duty. Where on earth will you see ‘tending a garden’ to be part of a security guard’s job description? Yet he voluntarily heeded the starving plants’ call. Oo na, wala namang yumaman, di nabayaran ang utang ng Pinas dahil sa ginawa nya. Pero nakakatuwa pa din. At aba, he did make a difference in more lives than one; go ask the plants right outside Pizza Hut Katipunan.
**Green Light**
Paboritong traffic light ko yung nasa intersection ng Ultra at Meralco Ave. ext (tama ba?) Basta yung pag andun ka, pag kumanan ka papunta kang Alexandria, pag kumaliwa papunta kang Shaw. Weniwei…
Sa lahat ng traffic lights na dinaanan ko sa tanang buhay ko, yun yung pinakamabilis mag-pula; isa sa pinakamabagal mag-green. Everytime I get to that point, it’s always red. Mabibilang ko lang sa daliri ko kung ilang beses sya green. Kaya pag may importanteng tanong ako sa buhay, yun ang ginagawa kong sign :)
Di ko sinasabing doon lang nakabase ang desisyon ko ha…pero wala lang, masarap mag-laro. Bago ko sinagot si Regi noon, sabi ko sa sarili ko, pag green ‘to game na! Ayun. Green nga.
Di pa ko nakontento. A few nights after that, nagtanong ako uli. Pag green nga ‘to, tooto na, sasagutin ko na…Green uli. Ang kulit kasi ng mukha ko. Pero teka, hindi naman ibig sabihin na yun lang ang basehan ko sa pag-decide ha. Kumbaga, kung point system ang gamit ko sa pagtimbang ng pros and cons, kasali yung green light sa scoring. Mga 10 points ang dagdag nun.
Bago ko makita yung traffic light, meron akong nakakakilig na tinanong nung sabado. Tapos saktong green. Yehey. (Kung ano man yung tinanong ko, secret na lang muna. In 6 years, sana masagot ko kung tama nga. :) )
Kutob ko talaga, merong cosmic force behind it. Basta, magaling. Magaling…

Friday, April 08, 2005
Getting more than what I gave
...
Ang karugdtong ng kagabi.
...
Totoo pramis. Wala kasing tubig at kuryente doon sa site. Kaya kung gusto mong maligo, either dun ka sa bukal maligo, o mag-igib ka't maglakad ng ilang daang metro bago makarating sa banyo. Tamad pa man din akong maligo. Eto, ibang level na. Kundi lang ako nanlilimahid sa libag, semento, pawis at kung ano-ano pang elemento, di na lang ako naligo.
Pero ansarap ng feeling pagkaligo ha. Parang gumaan ako by 2 lbs.
Eto pang isang first.
First time kong matulog sa tent. Buti na lang pinahiram kami nila Duane. Sakto lang kami ni Maui sa pulang small-sized Coleman tent na dala ni Mike. Ayus sana yung posisyon namin dahil nasa may lilim. Kaso may malaking bato sa ilalim ng tent namin kaya dapat dahan-dahan kang hihiga, kundi baka masapul yung likod mo.
Kinabukasan, nagmisa sa site. Di ko na kinaya mag-build uli. Bukod sa masakit na ang likod, braso, at balat ko...Mas malaking concern ko ay ang katamaran kong maligo pa uli bago umuwi. Nakakahiya man, pero totoo. Tinatamad na kong mag-igib uli sa malayo para maligo uli. Kaya kung pwede lang wag na kong gumalaw kinaumagahan para wag nang mamawis at mamaho bago makauwi sa Maynila.
Onga pala, meron pang isang first.
First time kong makipagchikahan sa mga sundalo. Kinabahan nga si Maui. Kasi ganito yung takbo ng chikahan namin ng isang magiting na myembro ng Philippine Army.
Macho Sundalo: Taga-Manila ba kayo?
Cey & Maui: Opo.
Macho Sundalo: A talga? San sa Manila?
Maui: Sa _______
Cey: Ako po sa Mandaluyong. Sa loob.
Macho Sundalo: (nakikisakay sa lokohan) A talaga, sa loob? Saan dun?
Cey: Sa Pavillion 5 po.
Macho Sundalo: Aba! Ba't ka naman napasok dun? May pagka- loko ka siguro (basta something to that effect. Nakikipag-joke din kasi sya)
Cey: Hindi naman. Pinasok ako sa Mental matapos akong manapak ng sundalong nang-aasar sakin. Bwehehehe.
Maui: Nervous laughter.
Ayan. Magaling. Hindi na mawawala ang gist ng General Nakar experience ko. Buti na lang nagyaya sila Duane & Didi. Heto nga pala ang mga bagong friends from YFC EA--Pat, Derrick, Aaron, Patrick, Galo, Jayson, John, Love, Michelle, Tracy, yung isa pang matangkad at mabait na kabarkada nila, AR, RJ, Mike. Pati yung mga naging instant Titos & Titas from CFC, sila Tita Roda, Tito Tonie, Tito who rode in front of the van nung pauwi from Quezon :)
Yung mga bahay, di pa namin tapos. Tuloy-tuloy pa ang daloy ng mga tao. Ang goal ay ang makapagtayo ng 120 houses sa site. Parte ng 7700 houses in 7 years goal ng Gawad Kalinga.
Ang ganda pala ng slogan nila: Bawat Pilipino Bayani.
Back to my previous point. I got more than what I gave...Ayan na naman, nagpapaka-feeling-mabuting-Kristyano ako kaya sumama. Feeling ko, nagbigay ako sa kapwa. Pero sa totoo, mas madami akong nakuha. Mukhang di ko na kailangan i-explain. Ibang klase yung saya at recharge ng pag-asa't paniniwala uli sa bansa ang nakuha ko nung araw na yun. Sana, sana lang e di naman yun ang huli. Sana din, lahat ng mga batang nakasama namin dun, akchwali, lahat ng mga sumama sa build na yun, patuloy maniwala na ookey sa owrayt pa 'tong Pinas.
Sabi nga ni Maui, sayang nga lang...bakit tuwing weekends lang pwede gawin yung mga ganitong bagay? Bakit nga ba? Gusto kong isipin na pwede namang habang ginagawa natin ang mga kanya-kanya nating mga trabaho e may magawa pa rin tayo para sa ikauunlad ng bansa.
Ano ba 'to, parang boses politiko.
Pero gets mo naman ang punto ko diba? Pwede kaya yun? Pwede dapat e. Di ko pa lang sigurado, as in concretely grasp the idea of how to go about it exactly.
Siguro, sa ngayon kahit pakonti-konti muna. Pero dapat atang malaman na kung pano kaya talaga; sa lalong madaling panahon.

Thursday, April 07, 2005
Ang karugdtong
To be continued(michelle, Lyle, YFC people, Golda)Masakit na balat, likod. Pero masayang puso.Deprive yourself of some comforts sometimes…
Sorry ha, ilang beses ko na atang sinabing nakakatuwa, nakakatuwa. E kasi, wala na akong ibang masabi. Basta SOBRANG NAKAKATUWA. Approximation lang yun sa lagay na 'yun.
Biruin nyo, may mga taong pumunta doon, nakisama sa Kalinga Luzon out of their own accord. Hindi school activity. Walang pumilit sa kanila. Gusto lang nila tumulong. Sa tingin nila gusto lang nilang gumawa ng paraan para kahit papano, kahit sa maliit na paraan may magawa naman sila sa bansa.
May mga nakilala kaming taga-Miriam. Sila Golda, Marian...at si... Naku, ang hina ko sa pangalan. Pero in fairness, naalala ko naman ang itsura nya. Kami, 2 days lang sa site, etong mga batang 'to, isang linggo halos. Ibang klase! Tapos nagyayaya pa nga silang bumalik. Mag-organize daw kami minsan ng build uli.
Walang grade na katapat. Pero pumunta ang mga estudyanteng to.
Eto pang mga nakakabilib na taong nakilala ko: Si Lyle, isang full-time missionary para sa YFC. Ka-edad ko lang, tapos yun yung napili nyang tunay na trabaho. Tapos mukhang masaya sya.
Si Michelle, isang teacher sa Holy Spirit. Graduate ng Ateneo. Mahilig mag-volunteer sa mga clean-up sa Manila Zoo, feeling ko nagk-Kythe din sya dahil na mention nyang nakapag-alaga na din sya ng mga batang may cancer, tumanggi sa isang high-paying job dahil nalaman nyang yung Kanong boss nya ay nag-utos na hinding-hindi, under any circumstances, nila aaminin sa mga customers na kausap nila na mga Pinoy sila.
Nabad trip nga daw yung pamilya nya nung ginawa nya yun. Pero pinanindigan nya yung prinsipyo nya.
Hanep. May mga nagtatanong daw sa kanya kung bakit ba nya ginagawa yung mga bagay na yun. Wala namang perang kapalit o kung ano pa man. Simple lang ang sagot nya, "Mahal ko ang Pilipinas."
Potek. Pareho siguro tayo ng iniisip. Yung mga taong ganun, pinagtatayo na ata ng rebulto. Sobrang rare. Ilang beses sa isang taon lang ata ako nakakarinig ng ganun. Madami every 4 years, bandang Mayo. Lalo't pag malapit na ang bilangan ng boto.
Sa dalawang araw namin sa Quezon, hindi ko talaga makakalimutan kung gaano kasarap ng pakiramdam tuwing naririnig ko ang mga salitang iyon. Seryoso, may mga Pilipino pang nagsasabing ayaw nilang iwan ang Pilipinas.
At hindi sila tinutukan ng baril para sabihin ito.
Nung narinig ko nga si Michelle magsalita, parang napatanong din ako sa sarili ko. Ako ba, anong ginagawa ko dito?
Yung totoo? Nagpapaka self-righteous. Para may masabi naman akong may nagawa ako para sa bansa. Kahit papano. Oo na, anong tulong ba naman ang magagawa ng pagbuhat ng konting hollow blocks at pag-halo ng semento. (Pero in fairness, hindi sya madali ha) Anong magagawa ng pagtitiis ng init at pagkasunog ng balat (e uso naman ang tan ngayon dahil summer). Did I really make a difference?
Gusto kong sabihing oo e. Gusto ko talaga.
Pero isang bagay ang mas sigurado ko. I got more than what I gave.
Oo, nakakapagod. Jahe pa ang amoy pagkatapos magbuhat, magbody-building gamit ang pala at malapot na semento, at magbilad sa araw. Hassle maligo dahil mag-iigib ka pa sa bukal...
to be cont.

Tuesday, April 05, 2005
Madaming firsts sa General Nakar
Ang sarap isipin na sa panahon ngayon, may mga taong ayaw pa ring iwan ang bayan.
Sa totoo lang, hindi naman ako ganun ka-desedido pumunta. Nung inemail nga ni didi sakin yung invitation, di ko pa nabasa ng maayos. Buti na lang nagtext sya. Nagtanong uli kung may balak ba ko sumama. Nung una, nahihiya lang ako magdecline. Pero…ewan. Parang sa kaloob-looban ko, merong gustong sumama sa Quezon.
And now I’m back on my cube. But the past two days were amazing. Dati, akala ko, Boracay lang ang katapat ng pagod na utak. Pag bagot na ko, iniisip ko lang ang putting buhangin, ang kumiskislap-kislap na tubig na wari bang tinatawag ang pangalan mo sa bawat pag-alon. Ang hangin na bumubulong sa tainga mo at walang ibang sinasabi kundi, “Mainit ba? Lublob ka na, tara.”
Pero yung trip sa General Nakar, hindi ko makakalimutan. Ang daming firsts.
Teka, teka…akchwali, kaya ko ‘to sinulat, takot akong makalimutan yung mga detalye. Minsan kasi may paraan mag-edit ang utak ko. Yung gist lang ang natatandaan. Basta yung thought lang na nag-enjoy ako. Period.
Sayang naman kung mabaon lang sa limot yung mga pangyayari ng April 2-3. Kaya’t heto na.
Ang daming Firsts.
First time kong makakita ng alitaptap. Astig. Parang bulalakaw na malapit lang sa kamay mo. Sayang, ang bilis nga lang lumipad papalayo.
First time kong makakita ng kalabaw na nagkakamot ng tenga gamit ang kanyang hind leg. Akala ko, aso lang ang gumagawa nun. Kapag kalabaw ka, igagalaw mo lang ang tenga mo para mabugaw ang makulit na langaw. O kaya, magdasal at umasang aalis na lang ang makulit na insekto ng kusa. Hindi pala. Either marunong lahat ng kalabaw magkamot ng tenga gamit ang hind legs nila…o nagyoyoga yung kalabaw na nakita ko.
It was the first time I listened to a soldier, and saw the Filipino behind the army suit. And I was thankful, not frightened to see that they were there. After all, that was Quezon and it’s known to be a place where NPA’s hold their fort. Pero narinig ko mula sa iba naming kaibigan na ayos naman pala ang mga NPA at sundalo sa Quezon, yung iban nga, nag-iinuman pa. Kasi nga naman magkakapitbahay sila. Pero para lang siguro makampante ang mga volunteers na nasa site, binantayan na din kami ng mga sundalo. Mabuti na rin yun, para kampante ang mga magulang naming kapag nagtetext kami sa kanila para mag-update kung kamusta nga naman kami.
Weniwei, back to the sundalo story.
Kinwento nya yung tungkol sa mag-amang may dalang kalabaw. Sa ibang versions, donkey ang dala nila. When the son was riding on the carabao’s back, people criticized him for not letting his old father take the ride. When the father rode on the carabao, people still criticized him for not letting his young son ride on it instead. Nung nalito na ang mag-ama at ayaw nang mapulaan, di na lang nila sinakyan yung kalabaw.
Nang ganito ang ginawa nila, ang sabi ng mga nakakita, “Mga tanga, may kalabaw, ayaw naman gamitin”
Ayaw ko na halos makinig sa kwento nya, kasi nga naman, alam ko na yung ending. Sino bang hindi.
Pero yung punchline ni manong, tinablan ako. Sabi nya, yung mag-ama daw kasi, parang ang gobyerno natin, kahit na anong gawin, siguradong mapupulaan, mahahanapan ng mali.
Oo nga naman. Syempre, parang tayo lang yan. Can’t please everyone ika nga.
Pero sa totoo lang, naawa ako kay Lt… (Ano ba yan, nakalimutan ko ang pangalan nya. Russell ata…) Kasi nagtatrabaho sya para sa gobyerno. Sundalo pa din sya, kahit alam nyang kaunti na lang ang naniniwala sa kakayanan nyang magsilbi.
Hayyy. Sino ba naman sa atin ang nakakakita ng mga opisyal ng army at gobyerno na ang gagara ng mga sasakyan at hindi alam kung kaninong bulsa ba nanggaling ang pambili. Linchok na. Ang hirap ditto, sa sobrang talamak ng nakawan, parang lehitimo na.
Tapos, yun lang naman kasi ang madalas nating Makita. Di natin naalala kung sino yung mga nasa ilalim ng mga opisyal na nagpapaksasa sa erkon na bahay at magarang kotse.
Tulad nung mga sundalong kasama namin nun. Natuwa nga daw sya at nakasalamuha ang mga sibilyan. At least may opportunity naman silang maipakilala ang tunay na intensyon nila na magsilbi.
Hindi lang sila nagbabantay dun ha. Sila mismo nagbubuhat ng hollow-blocks. Nagbubungkal ng lupa. Naghahalo ng semento. Nakikipagdaldalan. Pinapawisan. Nauuhaw. Nag-iintay kung kelan kaya magb-break para makakin ng pandesal. Natutuwa dahil unti-unting nabubuo ang mga bahay.
Nakakatuwa. Nakakapangilid pa nga ng luha. Ang sarap isipin, na eto, eto ang mga kababayan ko.
Ang hirap kasi kapag andito ka lang lagi sa Maynila. Nakakulong sa opisina, lalabas sa mall para magpalamig at mag-aliw. Uuwi ng bahay nang pagod kaya di na halos makapagkwentuhan sa kapamilya. Matutulog para bumangon uli at ulit-ulitin ang parehong mga pangyayari.
You see the same things and get numbed by the idea that this is it. We’ve got nothing else to do but get used to the fact that this is how it’s been and this is how it’s going to be even when we have kids of our own.
Matraffic, madami pa ding mahirap. May mga mayayaman na gumigimik sa Makati. Yung mga minalas na pinanganak na mahirap, malamang pati mga anak nila ganun na din. Yung mga mayayaman, kundi man mabawasan ng konti ang kayamanan, malamang yayaman at yayaman pa rin. O kaya aalis ng bansa dahil sawang-sawa na sila makakita ng pangit.
Pero ganito na lang ba talaga?
Nung Sabado’t linggo, nakita ko na HINDE. Hindi talaga, kasi may mga Pilipino pa ding gustong tumulong. May mga tao pa ring nagsasabing ‘Ayaw kong iwan ang bansang ‘to. Mahal ko ang Pilipinas”
At hindi sila tumatakbo sa eleksyon ha. O naghahanap ng taong mapapa-impress. Sinasabi nila yun kasi totoo.
Ang sarap. Ang sarap marinig. Na may mga taong naniniwala pa din na aayos pa ‘tong bansa natin. And the best part of it all was that they were doing something about it.
First time kong sumama sa mga Couples, Singles, at Youth for Christ. Kasama din namin ang mga SIGA. Halo-halo, iba-ibang eskwela, probinsya, o kung ano pa man. Basta gusto lang tumulong. Magtayo ng bahay.
First time kong nasampal ng katotohanang tumatanda na nga talaga ako. Well, syempre, paminsan-minsan, naiisip ko na yun. Kahit na naipako na sa 21 ang edad ko, di ko pa rin matakasan na totoo, malayo na sa ‘teen’ ang actual age ko.
Well, di pa naman sobrang tanda. (Ayaw talagang pakawalan) Pero hindi na yung tipong madaling makipagsabayan sa energy level ng mga tunay na bata. (tubog lang pala akoh!)
Basta, iba pala. Nung mga 17-19 ako, ang tingin ko talaga sa mga taong 23 pataas…matanda na. Hindi naman tipong lola-ic, pero iba na. Iba na ang humor, iba na ang prinsipyo sa buhay, iba na ang mga priorities…
Hmmm, looking back, mejo iba nga. Pero in essence, ganun pa din. Gusto pa ding magkaron ng stable na trabaho, magkapamilya, yumaman! Makatulong sa iba, sana.
Kaya lang, naiiba ang order pag tumatanda ka. I-jumble jumble mo na lang. Basta pag bata ka, iba. Pag tumanda… ewan. Basta yun.
To be continued
(michelle, Lyle, YFC people, Golda)
Masakit na balat, likod. Pero masayang puso.
Deprive yourself of some comforts sometimes…

Subscribe to:
Posts (Atom)