Wednesday, August 24, 2011

Ilang araw na lang.

Rayray:


Totoo pala yung sinasabi nila na pag malapit na lumabas...maa-atat ka ng todo.
Naiinip na ko sa kakaintay.
Pero a part of me is telling me, "Ay naku, sulitin mo na ang tulog mo hangga't pwede pa."
Pero may mas malaking parte na nagsasabi na, "Game na. Tara na! Kitakits na tayo Rayray!"

Kung makita mo sana ang langit ngayon, sana wag kang malulungkot kagaya ng nanay mong parang napapasimangot pag walang araw.
Baduy man, pero alam mo kung ba't ka Rayray? (Bukod sa due date mo ay feast day ni St. Raymund Nonato...at anak ka nila Regi at Ceycey--)
Kasi alam ng nanay mo na kahit ano pa man ang kundisyon ng panahon,
gaano man ka-pangit at ka-gloomy ng langit,
You'll always be their ray of sunshine.

O, wag kang ma-pressure.
Feeling ko naman di mo kailangang umeffort to be one.
Gaya ng sabi ng kanta, "I love you just the way you are."
So, kahit tulugan mo pa ko ng ilang oras. Puyatin mo ko ng ilang gabi.
Iyakan mo ko.
Pass gass any way you want to.
Or just look at me for a few minutes only to doze off again.
I know that having you will only give us way more reasons to be feeling all sunny and cheery each waking moment. Kahit ano pa man ang lagay ng panahon.

I can't wait to hear your first coos. Your first laugh.
Your first word. Nanay kaya o Tatay?
Pag labas mo, nood tayo ng Sesame Street. Sana mas gusto mo yun kesa kay Barney.
Swimming tayo.
Bulagain natin Tatay mo sa umaga.
Tambay tayo sa Powerbooks, tapos basa tayo ng mga libro.
Then you can pick your favorites tas bilhin natin para pwede mong ulit-ulitin.
Punta tayo sa mga Lolos and Lolas mo.
Magaling ka kaya kumanta o sumayaw? Ano kaya ang pang-aliw mo sa kanila?

Teka, ang advanced go na ata mag-isip.
Basta for now, sana oks ka dyan sa loob.
Sa Sabado, tatanungin ko na si Doc kung pwede na maglakad-lakad.
Para next week, sana sumakto sa Aug 31...
magkita na tayo.

Tara?

Love you.

p.s.
Sabayan mo kami ni Tatay sa pagp-pray that everything goes well ha :) See you!

Nanay


No comments: