Thursday, June 17, 2010

Saan nagtatago ang happiness

Sorry to borrow the title from a movie.

Pero saan nga ba?
Sa likod ba ng pera? Sa tagumpay?
Sa pagsabi ng ibang tao ng "Wow, ang galing mo naman."
Sa pagtanggap ng taos-pusong 'Thank You.'
Sa pakikinig ng magandang kanta nang di mo inaasahan.
Sa kaalaman na magunaw man ang mundo may isang kamay...dalawa...lima...higit sa sampung kamay na alam mong hinding-hindi ka iiwanan?
Sa kaalaman na matutulog ka sa gabi nang nagawa mo lahat ng kailangan mong gawin, at bukas ganun uli, pero mas masaya.
Sa pagkain ng chocolate cheesecake
at ang pantasya na hinding-hindi ka tataba kahit di ka magpakapagod para i-burn ang linchok na calories na katapat ng bawat subo.

At pagsusulat nang walang pakialam kung mahuhusgahan ka ba o hindi.
Sa masarap na pagkain
Sa kawalan ng iniisip
O kaya sa pagkakaroon ng sangkatutak na kailangang isipin pero alam mong lahat magiging okay sa huli.
Sa libreng parking
Sa picture ng masayahing bata sa harap ng computer mo.
Sa mga drayber na nakakasalubong na kahit gitgitan e pagbibigyan ka ng walang mura o bad finger na kasabay.

Sa mga bulaklak sa Dangwa
Lalo na yung mura kahit mahal na dapat.

Sa mga tunay na kaibigan
Sa mga magulang na walang sawang nakikinig sa mga bagay na malamang walang kwenta na para sa ibang tao, pero buong-puso pa rin nilang pagtitiyagaan
Sa mga bagay na gagawin nila para sa'yo ng walang sumbat.
Sa Ate at Kuya, bayaw at hipag na kahit matanda ka na e tinatrato ka paring baby sa pag-aalaga
Sa mga pamangkin na minamahal ka kahit na masungit ka sa kanila minsan
Sa mga salita, sa mga kamay na marunong mag-type.

Sa mga panahong wala lang, na lalong nagpapatingkad sa mga panahong wow, yeba.
Sa pag-iisa
Sa reklamo--teka, nasan ang happiness dun?
Well, pag nawala ang reklamo, andun ang happiness.

Nuong bata ako, di ko maintay tumanda.
Para makasama ko sa Ate ko at Kuya ko sa Star City ba yun o Boom na Boom.
Di ko akalaing walang carnival ang tatapat sa saya ng pagtatarang nang wala lang dun sa labas ng bahay kasama ng mga kalaro kong walang ibang kailangang isipin kundi ang maabot ang base nang di nahuhuli ng taya.

Tapos madilim na, at kailangan nang umuwi. Maliligo. Makikipag-away ng konti kay Ate Yolly kasi tinatamad ako, pero di dapat matulog ng madumi.

Tapos bukas maglalaro uli.

Basta masaya lang.

Naisip ko lang, nung bata ako, ni minsan ata di ko natanong kung 'San nga ba nagtatago ang happiness.

Kasi hindi 'to nagtago. Hindi kailangang hanapin, kasi andyan lang parati.
O baka hanggang ngayon di naman nagtatago.
Pero parang mas romantic lang ang buhay pag may drama.
Para may rason mag-blog.
Nah.

Minsan tinatanong ko si God, "Kung gusto mong maging masaya lahat ng tao, ba't di mo na lang bigay yung gusto nila?"
Pero ika nga ni Morgan Freeman bilang 'God' sa Bruce Almighty, "Since when did you know what you really wanted?"

onga naman. Hindi ba pwedeng broad strokes lang, like, "God, gusto ko maging masaya forever and ever." Yun yung objective, bahala na po kayo sa execution. But what about free will, He asks. Then I'll say, "Ok lang, kayo na po bahala, mas alam Nyo naman kung anong makakabuti sa'kin diba?"

God: Wala nang excitement
Cey: E, interesado lang naman po ako sa bottomline
God: Edi ako na lang sana nabuhay para sa'yo. Ba't pa kita nilagay sa mundo kung ano din pala gagawa ng mga desisyon.
Cey: Hmm...may point. Pero, ayoko na 'pong magkamali. Malungkot kaya.
God: Ba't naman, natututo ka naman.
Cey: O, which brings me back to my original point, kung bibigay Mo rin lang yung ice cream, ba't kailangan pa ng obstacle course?
Feeling ko naman ganun din ang lasa ng ice cream kahit ilagay mo sa tuktok ng Mt. Everest o kung lagay Nyo na lang sa harap ko, diba?
God: The journey makes the ice cream worth it.
Cey: But I just want the ice cream! Ok, let's quit the metaphors. I just want to be happy! All the time! I want everyone I love, ok fine, let's just make this universal, I want the whole world to be happy. Like we're all on drugs or something. High on pure joy.
God: Kahit walang rason, ganun? Lutang ka lang?
Cey: Oo. Este, opo. Diba mas...ok yun? Parang cartoons. Si Spongebob, masaya parati.
God:...
Cey: Yes...?
God: Ayoko na magsalita. Wala ka namang ibang gagawin kundi kontrahin ako ngayon e.
Cey: ...
God: Pero alam mo naman na, okay, I hate to be cheesy...pero alam mo naman na...you know...
Cey: Na mahal mo ko?
God: Euw, ang cheesy ng dating, basta alam mo na yun.
Cey: Well, oo.
God: Di pa ba enough yun?
Cey: Enough naman. Pero bakit...bakit parang alam mo yun, okay naman dapat lahat, pero di pa din masaya...well, masaya as in a few notches above malungkot, but not happy- happy-yey-may-pasalubong-na-sambos-si-daddy-kagaya-nung-7-years-old-ako-kind-of-happy.
God: 7 years old ka pa ba?
Cey: Hindi na.
God: O e ba't yun pa rin hinahanap mo?
Cey: Ewan, parang mas simple lang dati.
God: Simple pa rin naman ngayon e. Ma-drama ka lang talaga. Diba yung mga hiniling mo naman dati nakuha mo ngayon?
Cey: Well...
God: Hey, give me some credit here.
Cey: O...o...
God: O, e ba't sinasabi mong malungkot ka pa din? Na 'di ko binibigay yung gusto mo. Binibigay ko naman, not in the exact form that you want them to be in, but you know, oh c'mon cey, you know you always get what you want. Kahit iba yung execution, you know that I'm always on-strat. The objective being: to make you...and the people you love happy.
Stop sulking. Umuwi ka na nga. Alam mo, pagod ka lang.
Whatever issues you may have, well, they may still be there tomorrow. But I'm telling you they'll be much smaller when you look at them again tomorrow.

Cey: Sige na nga. Basta God, wag Nyo kong bibigyan ng problema ha? Ok na ko sa sunog, life-changing enough na yun para sakin. Healthy, happy, lahat ng mahal ko sa buhay. Tapos basta, alam Nyo na yun.

God: Uwi ka na kasi.
Cey: Sa'yo?! Wag muna!
God: Pilosopo.
Cey: Joke lang.
God: Masaya ka na? Wag ka na kasi ma-drama.

Basahin mo na lang 'to uli bukas. 'Yang happiness-happiness na hinahanap mong yan, you'll realize that it's staring right back at you.

May katok na ata ako, kinakausap ko yung sarili ko. Masaya lang ilabas.
In the spirit of rationalization, eto na lang ang form of prayer ko for today.

uwi na ko.

No comments: