Wednesday, June 27, 2007
Bora bora. Bang bang bang.
Came home from sunny Boracay. And all the while I kept thinking about when to come back. Ayaw ko nang umalis sa Boracay. Sana may Leo Burnett Bora. Kung wala, sa totoo lang, pwede na kong mabuhay sa pagw-waitress dun. Tas titira ko sa fan room. O kaya, ...pwede kong magtayo ng mini-Recto stall. Magbebenta ko ng term papers sa mga bagets na nag-aaral dun na tinatamad magsulat. Mamumuhay ako sa chori burger. Pwede rin akong maging bugaw ng paraw o kaya banana boat. O kaya tindera ng aliw. Hindi yung bawal type ha. Yung makikipag-joketime ka lang sa kung sino mang malongkot at kaelangan ng kaosap. Pero malungkot ata magpabayad para sa ganung klaseng serbisyo, so erase erase na lang.
Haaaysarap. Kaso mamimiss ko ang maraming tao sa maynila. Tapos di naman ako makakapamuhay sa tubig-alat at buhangin lang. Pa'no na pag andun ako tas pasukin ang utak ko ng kung ano-ano pang pangarap na di ko naman pwedeng makuha nang walang kapera-pera...in other words, di kayang tustusan ng pagwe-waitress ko. E ano pa bang papangarapin ko kung nasa boracay na ko? Kung araw-araw parang panaginip lang. May makikita kang konting storm clouds, na biglang nawawala at napapalitan ng ibang klaseng sikat ng araw. Tas masaya ka lang. Masaya.
Baka kasi gusto ko lang maging bum. Hrrrmmm....bum. Ang sarap nun o. Hihilata ka sa buhangin, pupunta sa tubig pag naiinitan na. Palutang-lutang. Maglalaro ng mala-polvoron na buhangin sa kamay at paa. Magmumuni-muni tungkol sa kung ano-ano. Babalik sa buhangin pag nilamig nang konti. Pag nagutom kakain ng isaw o chori burger. O kaya chichibog sa smoke. Tatambay pag happy hour sa may del mar; o kaya sa gabi iinom ng strawberry shake. Sasayaw pag may tugtog. Matutulog pag pagod. Nang walang iniisip kung may client meeting ba o deadline bukas. Kung may patutunguhan ba yung ganitong klaseng pamumuhay. Kasi masaya lang, masaya. At alam mong pag tinignan mo ang magic wallet mo, bigla lang itong tinutubuan ng pera. Para bukas, tuloy-tuloy lang ang ligaya.
Sabay kakanta si Bob Marley.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Nagawa ko na yan. Maging bum. Buntis na bum, ok lang kasi kahit wala kang gawin buong araw kundi manood ng TV, pagod ka pa rin. Nung nanay na ako na walang trabaho, ok lang din yun kasi busy sa pag-alaga ng bata. Pero bum na bum lang. Masaya lang siya for the first 2 months. Pagkatapos nun, mababaliw ka sa boredom, sa pagsasayang ng oras, sa feeling na hindi mo ginagawa ang dapat mong gawin sa mundo, at sa kawalan ng pera. Pero kahit may pera, hindi pa rin sapat. Di ko naman kinailangan magtrabaho uli pero ginawa ko kahit masmaliit na sweldo sa dati kong trabaho kasi... sa katagalan, hindi rin ok maging bum. :)
Pero parang iba kung bum...sa boracay. Pero sabi nga ni Marcus Aurelius di naman tayo nilikha para manatili sa kama. Hay. Pero wala lang, sana pwede mag-bum kung kelan mo gusto tapos magtrabaho kung kelan mo lang type. Tapos mag-bum muna uli pag pagod na. Tapos...
magandang idea yan. sana nga pwede. isama mo ako sa pangarap mong yan mare
Nyarap, nyarap! Tayo tayong restaurant dun! Pero dahil marami na nun, dapat may twist...hmmmm...kasama sa menu ang comm strat, pati paggawa ng ad campaign! Wachuthink? Hehe...Dun tayo sa beach magb-brainstorrrrmmmm....
Post a Comment