Tuesday, April 24, 2007

Dragging my feet

Lately, ang bagal kong gumalaw. Mas matagal akong bumangon mula sa kama. Mas mabagal akong maligo. Mas mabagal din ata ako maglakad papunta sa office. Siguro kasi mainit. Sa sobrang bilis kong magpawis, kailangan, mabagal lang ako kumilos, kundi jajabarin na ko. Pero ang mas rason, tinatamad ata ako.

Ever since grade five, when Ms. De Guzman taught us how to get ourselves excited for the next day, I've always made an effort to find something worth looking forward to tomorrow--no matter how small it may be. Well, not always, kasi minsan, parang di naman kailangan kasi parang ok lang umalis sa kama at ituloy na ang araw sa opisina. Pero ngayon, well, parang kailangang umeffort.

Anyway, I've been meaning to meet up with Maui kasi birthday nya bukas. Pero dahil ayokong makisabay sa mga ibang babati sa kanya, I chose to surprise her today. Akala ko this would be just another morning, pero habang sinusulatan ko yung tissue kasama ng Banoffee pie na dadalhin ko kay Maui, parang nag-iiba yung pakiramdam ko. And so I walked over to Maui's building.

Manong Guard: Sino po'ng kailangan nila?
cey: Si Maui po.
MG: Sino po sila.
cey: Pakisabi po si Bogart.

At paglabas ni Maui, inabot ko ang pie sa kanya, hinug ko sya, at binati ng happy birthday bukas. Tapos I saw her smile. And it was wonderful. We were so happy. Nagkwentuhan kaming sandali. There were a lot of catching-up to do, pero dahil hiram lang ang oras, kinailangan naming magbabay kagad. Pero ang weird...how a simple change in my usual morning route could brighten up the day. When I'm with my closest friends I always feel recharged. Game na game ako sa life. Parang magic.

Eto'ng weird thing sa'kin e...masyadong mabilis ang karma. Kaya nakakatakot mang-ga** ng ibang tao kasi alam kong mabilis ang kabig sa'kin. Pero this morning, I set out to brighten up Maui's day, and I went back to the office with a lot more sunshine than I deserved. And I went on my way dragging my feet no more.

Maui kept on thanking me for the pie. Come to think of it, I ought to be thanking her more. Happy birthday to one of the most wonderful, amazing, beautiful people I know. :)

It's a happy day.


Song for the day habang papasok ng office: Cool Change.

4 comments:

Didi said...

such a lesbian moment. hahaha! joke!

cey enriquez said...

Loka! Gel na ko...I think. Wahehe...joke lang regi :)

Paolo Dy said...

Di, okey yun kay regi. e di may chance na cyang magka menage a trois :D wheee!

cey enriquez said...

Che! Men and your girl to girl fantasies! eeeeuwwww. :)