Tuesday, March 06, 2007

On a Marchy Tuesday, 6 years ago.

What was I doing then?
Probably counting the minutes 'til dismissal. Tapos direcho na ng ICTUS Tambayan. Yung ganitong klaseng sikat ng araw, bandang hapon, can't help but reminisce about the good 'ol college days. Walang pasok bukas, kaya pwedeng tumambay nang todo. Baka pupunta ng SC para magtapsilog sa Rodic's. Merienda pa lang yun. O kaya, pupunta sa coop para mag'grocery' ng biskwit na Smiley na pwedeng i-stock sa sasakyan--para dun sa mga panahon na bigla akong ginugutom habang nasa daan (o kaya mas trip 'tong ibigay sa nanlilimos kesa barya.) Pero bago pumunta sa tambayan, siguro dadaan muna ng Lib, konting research para sa kung ano mang paper na kailangang i-submit within the week o next week. Para di nakaka-guilty sakaling mapatagal ang pagtambay at pakikipagchikahan. Siguro magkikita kami nila Maui at Eca. Uupo sa bangketa sa labas ng simbahan, pag-uusapan ang mga nangyaring exciting sa buong linggo. Pagkkwentuhan yung mga crush sa iba-ibang mga klase. Pati yung mga crush ng crush namin pagkkwentuhan din, tapos iisipin kung ano kaya yung meron sila na wala kami. Tapos sabay-sabay namin ico-console ang isa't isa with statements like, "Di bale, mas maganda ka dun." o kaya, "E sus, di naman nya type yung guy, so wala din." or "Mas payat ka naman sa kanya."
Tapos, tapos na. Magyayayaan kami pumunta sa SC uli para mag-ikot lang. O kaya pag-uusapan kung ano bang susunod na proyekto ng ICTUS. Basta magtatawanan lang sa mga kung ano-anong bagay. Mapapaisip paminsan-minsan kung yung kabag ba ng tyan dahil sa init ng semento, o sa katatawa. Mainit, medyo nagpapawis-pawis ang likod at kleks, pero oks lang. Peyups days, wala pang arte sa katawan. Basta masaya lang...kahit iniisip yung papers na kailangang i-submit, at nalalapit na finals sa kung sa'n man. Pero exciting, kasi malapit na'ng mag-summer. Wala nang klase. Pero mag-summer classes kaya tayo? Para bawas na ang load next year pag nag-thesis. Mas madaling gagraduate. Tapos pwede na'ng maghanap ng trabaho.

Teka lang, tambay muna tayo.

6 comments:

Paolo Dy said...

"I WISH I COULD GO BACK TO COLLEGE"
From Avenue Q, the musical.

KATE MONSTER:
I wish I could go back to college.
Life was so simple back then.

NICKY:
What would I give to go back and live in a dorm with a meal plan again!

PRINCETON:
I wish I could go back to college.
In college you know who you are.
You sit in the quad, and think, "Oh my God!
I am totally gonna go far!"

ALL:
How do I go back to college?
I don't know who I am anymore!

PRINCETON:
I wanna go back to my room and find a message in dry-erase pen on the door!
Ohhh...
I wish I could just drop a class...

NICKY:
Or get into a play...

KATE MONSTER:
Or change my major...

PRINCETON:
Or fuck my T.A.

ALL:
I need an academic advisor to point the way!
We could be...
Sitting in the computer lab,
4 A.M. before the final paper is due,
Cursing the world 'cause I didn't start sooner,
And seeing the rest of the class there, too!

PRINCETON:
I wish I could go back to college!

ALL:
How do I go back to college?!
AHHHH...

PRINCETON:
I wish I had taken more pictures.

NICKY:
But if I were to go back to college,
Think what a loser I'd be-
I'd walk through the quad,
And think "Oh my God..."

ALL:
"These kids are so much younger than me."

cey enriquez said...

Hehe...pero sa pagka-sophisticated ng porma ng mga bagets ngayon, feeling ko papasa pa rin akong college dahil sa t-shirt at maong kong porma. (feeling!)
Speaking of Avenue Q...wala lang, ang ganda lang ng 'For Now' :)

Sana maganda yung Pinoy production nito! At, salamat sa lyrics. Next time we see each other, pakikanta na din!

ps. bilis mo magcomment?!

Ina said...

Wahh! Nung binabasa ko yung entry mo, parang nakikita ko talaga kayo nina maui na nakatambay sa may chapel at nagtatawanan. :)

Ka-miss!

cey enriquez said...

Hmmm...at siguro naisip mo din kung sino-sino ang mga boylets na pinag-uusapan namin nun?! Wahehe! Korak, kakamiss! Sana may ICTUS tambayan dito sa Makati no? Angsaya lang nun!

Ina said...

boylets? hmm. konti. pero hindi talaga masyado kasi in the end of it all, ang mga lalaki sa panahong lumipas ay wala nang saysay sa kasalukuyan. ang naging halaga nila ay ang pagpapalapit ng mga babaeng magkakaibigan. pagkatapos nun, wala na silang saysay. :D

cey enriquez said...

Grabe ina...kasalukuyan akong mukhang tanga dahil tumatawa mag-isa habang binabasa ang comment mo!!! I agree! I agreeee!

In fairness, may silbi naman pala sila. Pero basta, kakatawa balik-balikan. Siguro dahil kadikit na din ng ala-ala ng heartaches yung mga memories ng mga girlfriends na kaantabay at nagpapatawa para makalimutan ang mga mokong. Hehe...