Di ko naman gustong panoorin ang 300. We've been watching the trailers from Marky's computer since last year, para lang i-showcase ang ka-astigan ng speakers nya. Pero, yun na. Parang ang dating lang sa'kin nun: A, ganda ng visuals, mukhang violent. Intayin ko na lang sa DVD. Ok lang kahit di ko mapanood.
But no! Last Saturday, Regi and I watched 300...at hanggang ngayon, bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko tuwing naalala ko yung mga scenes sa pelikula.
Ok, fine...magpapakalalim ako kunwari: It's a great film about passion, love for country, faith in the people you lead/ in your leader...uhmm...and a whole lot more.
Di ko na ma-take. I'll leave it to the reaction-paper makers to flesh out the profound meanings of this movie. But for now, magpapakababaw ako. Mygazzzz, those abs were amazing! Ok, sabihin na nating computer-generated ang VFX, pero when I saw the outtakes on youtube and caught a glimpse of the oh-so-real abdominal muscles of those men. Shoke, mula babae, naging lalake ako't (namangha sa galing nilang mag-work-out), tapos nabakla nang Over--sa ganda ng katawan nila!
Ibang klase lang si God mag-create. Kaya pala ng tunay na tao maging ganun ka-amazing ang itsura. I never thought I could stare at men wearing trunks for almost two hours! Sa Bora kasi pag nakasalubong ka ng grown man wearing trunks, parang ikaw pa ang mahihiya para sa kanya...With matching thought-balloon na ,"Sir, iyo na lang ang sarong ko, umuwi ka muna ng hotel room mo't magshorts ka para mo nang awa." Pero ito, grabe, parang kahit maglakad sila sa Ayala nang ganun lang ang suot, di ako maasiwa...well, malamang mapapatitig nang matagal. Tapos sasabihin ko sa sarili kong, "Easy ka lang, wag kang gagalaw, baka magising ka."
Wala, kasi nakakatuwa lang. Parang pang-hero na katawan, pero totoong tao!
Richard asked me how my weekend went, sabi ko ayus naman, watched 300--he should watch it too ang sabi ko. Sabi nya, "Some people said it's too violent" Sabi ko, oks lang kasi mukhang pang-comics(graphic novel pala dapat) ang treatment, kaya di ka naman mago-gross out. Sabay hirit, "And those abs were just amazing!"
...medyo may pause...
Richard: Uhm, so is there something that men can appreciate in that film?
Cey: ...
Richard: ... I meant real men.
Cey:...
Cey:...Uhm, they had good lines. Well some were good in a Hollywood kind of way, but some lines were really nice.
Panis, di ko man lang nasabi na astig yung fight scenes, galing ng interaction ng mga actors sa isa't isa (parang gusto mong maki-comrade sa kanila...although kung andun ako baka iba ang intensyon ko sa pag-akbay sa kanila. joke lang regi), maganda yung shots, basta magaling, magaling. And to think na ang bata lang ng direktor!
Pero wala akong nasabi kasi puno pa ang utak ko ng abs. Abs, abs, na kay tigas parang kaya nilang tumayo ng kusa. Di ko akalaing pwede palang magka-8 pack! Talo pa ang beer.
Inspiring film nga naman. Not only because of the 'virtues' or beliefs the movie so oh-so-passionately portrayed--na tipong after watching the movie maiisip mo, walang imposible! Kaya natin 'to! Basta steadfast ka sa iyong paniniwala't prinsipyo, hindi ka mabibigo (kahit pa-ulanan ka pa ng pana ng kalaban at mamatay ka pa) Wag nilang ismolin ang Pilipinas...sama-sama, uusad tayo't magwawagi. (well, di ko naman naisip yun, pero siguro kung gumagawa ako ng HS reaction paper isusulat ko yun) Pero I'm sorry kung ang babaw, unang thought as I got up my chair: Hanep, kaka-inspire mag-work out.
***well, yung susunod na thoughts mala--ang saya siguro ng ni Frank Miller, ni Zach the direktor, mga artista, everyone part of the prod team, to have made something so great. Sana ako rin balang araw makagawa ng ganun. Di naman pelikula, pero basta something sa life. (ayun, at magakaron ng machong katawan.)
Tuesday, March 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
I got better abs.
sabi ko na nga ba may diatribe dito e...
this has got to be the LONGEST POST IN THE WORLD.
muahahhahahah!!!
regi: pare, kilala ko yung gumagawa ng fake muscles sa fantaserye, tara, pagawa tayo....
kilala ko rin yung may ari ng Gold's Gym, pero pucha nakakatamad.... hwehwehwehweh
Wow pau, salamat sa vocab lesson. I got a new word!
diatribe--a bitter, sharply abusive denunciation, attack, or criticism: repeated diatribes against the senator. (ayon sa dictionary.com)
Doesn't have to be a diatribe though, mag-aagree na lang ako kay Regi para tapos na usapan. Baka in a parallel universe, totoo naman yan. Or...better yet, sana magkatotoo nga ang sinasabi mo regi! Sige na, you've got nice biceps, but...oh my, imagine if you really had Leonidas' abs...
Pao, wag mo sya papakilala sa fake muscles maker. Kaya nyo din magkaron ng ganun. Gym galore na!
**Tapos gawa kang mini docu kung pano nyo na-achieve ang Spartan abs! Yun yung bonus feature ng full-length film mo pag nanalo ka na sa OnTheLot! Nakssss! Go QWERTY go!
wahahaha
"On The Lots Of Abs"
pwede...pwede!
Ah-wooh! Hi Cey :-)
Malaking distraction nga sa film yung abs pero OK lang. I don't mind.
And based sa post mo, I guess, you didn't mind it, too.
Aynaku Tyrene, I enjoyed...no, cherished, every ab-exposure mmmmmmommmmment. Rrroar.
Post a Comment