Sabi ni Seneca, "People love to touch their wounds, even when they know they hurt."
Oo nga naman. Parang yung mga old heartbreaks yan e. Ang sarap lang balik-balikan, paulit-ulit sa utak mo minsan; kahit alam mong somewhere deep down may sumasakit pa rin. But the thing is, may kakaibang sayang kasama yung lungkot e. Nostalgia ba yun? Mala. Basta, it's bittersweet. More sweet, than bitter.
Ang baduy no. Pero totoo pala yung sinasabi sa pelikula. Parang yung nasabi ni Nicolas Cage sa City of Angels, di eksaktong ganito, pero mala--"It was better to have spent two minutes with her; to touch her skin, kiss her lips...than to have spent the whole eternity not having met her." Ano bang punto ko?
Basta ang galing...na-gets ko na yung sinasabi nung mga sappy romantic movies na tipong if I had a choice between not having gone through all those heartbreaks and still having the chance to go through the good times even when it will all end in pain. Syempre, dun na sa huli. Kasi, masaya lang. Yung mga panahong nagpa-cutie cute cute kayo ng isang tao at nauwi lang sa wala. Well, not exactly wala. (kasi sa huli nagdrama ka, at some point swore off that race).
At isa pang maganda sa mga bittersweet moments na ganun. Parang mas matamis yung tagumpay sa huli. Matapos ang lahat ng shitty heartaches, yung aanihin mo pala sa huli, more than compensates for all those times when you thought true love won't happen. Yuck, an baduy. Pero I don't know how else to put it.
Monday, December 18, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
is this about you and Daniel Craig?
-paolody
Meeeejooooo....
Hehe :) Uy, quiet ka lang, secret lang na kami na.
Kainis ka, ayan na-alala ko na naman ang kasexyhan nya, so early in the morning. Rrrrrroooooarrrr.
Hmm. Me naalala ko dito a...
Itago na lang natin sya sa pangalang Tonio? joke lang reignierrrr!
Post a Comment