Friday na bukas.
Sa wakas. Makakatikim din ng weekend.
Sugarbollywow. For the first time in more than a month, makakatikim din ako ng Sabado. Makakatulog nang hindi kailangang gumising sa alarm clock. Gigising para isipin kung babangon na ba para manood ng tv o bumalik para matulog uli. Maliligo kung aalis lang sa gabi. Makakapagkwentuhan ang nanay at tatay ko. Makakapag-date with regi. Makikipagkita sa mga kaibigang ilang beses nang tinext ng sorry di na NAMAN ako pwede.
Weekends. Precious nga naman. Di lang dahil oras 'to para magpahinga kundi dahil eto ang panahon para sa mga bagay na mas importante pa sa trabaho. Bukod sa di makapanood ng tv, ang pinakapanget pag nawawalan ng weekends, wala nang oras para sa mga taong di naman dapat isinasantabi. Kaso ganun e. 5 araw sa trabaho, sa 2 araw, bahala na kung paano pagkakasyahin para sa mga mahal sa buhay na di kinikita buong linggo.
Parang may mali no? 2 days lang para dun...E ganun e. Kung wala ka namang trabaho, may 7 araw ka nga para kitain ang lahat ng mga kapamilya, kaibigan at iba pang mga mahal sa buhay, wala ka namang pera para gawin ang mga gusto nyo, kumain ng masarap, bumili ng magagandang regalo, pumunta sa mga magagandang lugar.
So pano na?
Sino bang nag-imbento ng konseptong 'to. E, teka, sino ba ng may sabing kailangang sumunod? Di naman tayo tinutukan ng baril para maging ganito. Pinasok nang walang karekla-reklamo. Tas pag andito na...ayun mag-aasim.
Teka, hindi ako nag-aasim.
Akchwali, masaya naman e. Walang bull****. Kaso, ayoko lang na pag ma-libre lang ng konti, make-up time naman. Panget, pag make-up lang, kasi di pwedeng maging kaibigan, gelpren, anak nang real time. Ang baduy.
Tama nang pag-aasim. Basta bukas Biyernes na. Tapos matamis na uli ang Sabado't Linggo.
Thursday, June 01, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Cool stuff girl, may malungkot, may masaya, but definitely lovely and warm...
salamat. ang bait mo naman :)
Post a Comment