I hate this kind of weather. Feeling ko I'm afflicted with SADs...sabi ng teacher ko nung college, apparently may mga taong apektado ng madilim, maulap at maulan na panahon. Nadedepress sila't nalulungkot for no reason at all.
For lack of a better reason for feeling like sh** lately, I'd say I have SADs. Ewan ko ba, pero di lang ako masaya. Pero sa likod ng utak ko, may boses na nagsasabing, "Ba't di ka masaya, e wala ka namang problema?" Alam ko.
Utak: E yun naman pala, ba't di ka masaya?
Cey: E ba't si Ganun mas madaming rason maging masaya. Sya masaya.
Utak: E si Ganyan kaya, mas mabigat nang todo ang mga problema kesa sayo, pero di sya kasing lungkot mo.
Cey: Oo na. Di ako masaya, pero bawal akong malungkot. Kasi, di dapat.
I call this the mid-class crisis. Di lang sa socio-economic class nag-aapply 'to e. Pati sa bilangan ng blessings. Ang hirap maging masaya kasi yung mga hinihiling mo di mo nakukuha pero nakukuha ng ibang tao. Tapos parang mali naman malungkot kasi mas madaming di pinalad na iba.
Nasa gitna ka ng mga nagpapakasasa sa saya at ng mga salat sa mga bagay na di mo man lang siguro napupuna. Sabi ko nga kay maui nun, gusto kong maging masaya, yung totoong masaya, at di lang dahil alam kong madaming mas malungkot kesa sakin.
At sa mga panahong di ako masaya't di ko matukoy kung bakit, God sticks out like a sore thumb. Sya kasi ang pinakamadaling sisihin. "God ka naman e, ba't di Mo na lang ako pasayahin. Gamitan Mo na lang ng magic."
Basta ang dami ko masyadong tanong. Pero di pa rin Nya sinasagot.
Tapos kaninang umaga pagdating kong opisina, this thought kept ringing in my head: How come things aren't going exaclty as planned? (read: bakit di Mo ko pinapasaya?)
Sakto, naglapag si Janice ng isang pancake sa mesa ko, with maple syrup drawn on top of it like a cute little sun. "Cey o, tig-isa tayo."
And it hit me once more. These little things that just make me open my eyes to the fact that I can't force Him to do things according to my plans. May rason e. Di ko pa lang alam, basta meron...At sa mga panahong di ko yun maintindihan, He just won't leave me alone.
Gaya ng panahong pagod na pagod na ko sa page-AE't iniisip ko nang di ko na talaga kaya. Saktong naglapag si Ms. Helen ng muffins sa mesa ko't sabay sabi, "Cey, kain ka muna."
Para kong batang umiiyak at sinusuyo ng magulang. Di nga lang ice cream ang dala Nya. Pancake at muffin.
Friday, July 13, 2007
Tuesday, July 10, 2007
God is Bumblebee
Lately I've been asking God some questions. Not to be overdramatic about it, (they're not the 'Why God, why?!?!' types) but, well...there have been some things I wanted to know about. In the absence of an oracle or any type of medium, the radio seems to have become a substitute. For all I know, I could be making these up. There may not even be any rationale behind how apt the songs that came up were for how I felt, and the things I've asked. But it feels good to think that maybe He's trying to tell me something...if I don't want to listen to that voice in my head, heart--or wherever that hunch or glint of wisdom may come from, then maybe I'd take notice of the one on FM. How sweet of Him.
Subscribe to:
Posts (Atom)