Tuesday, March 13, 2007

300. 300!

Di ko naman gustong panoorin ang 300. We've been watching the trailers from Marky's computer since last year, para lang i-showcase ang ka-astigan ng speakers nya. Pero, yun na. Parang ang dating lang sa'kin nun: A, ganda ng visuals, mukhang violent. Intayin ko na lang sa DVD. Ok lang kahit di ko mapanood.

But no! Last Saturday, Regi and I watched 300...at hanggang ngayon, bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko tuwing naalala ko yung mga scenes sa pelikula.

Ok, fine...magpapakalalim ako kunwari: It's a great film about passion, love for country, faith in the people you lead/ in your leader...uhmm...and a whole lot more.

Di ko na ma-take. I'll leave it to the reaction-paper makers to flesh out the profound meanings of this movie. But for now, magpapakababaw ako. Mygazzzz, those abs were amazing! Ok, sabihin na nating computer-generated ang VFX, pero when I saw the outtakes on youtube and caught a glimpse of the oh-so-real abdominal muscles of those men. Shoke, mula babae, naging lalake ako't (namangha sa galing nilang mag-work-out), tapos nabakla nang Over--sa ganda ng katawan nila!

Ibang klase lang si God mag-create. Kaya pala ng tunay na tao maging ganun ka-amazing ang itsura. I never thought I could stare at men wearing trunks for almost two hours! Sa Bora kasi pag nakasalubong ka ng grown man wearing trunks, parang ikaw pa ang mahihiya para sa kanya...With matching thought-balloon na ,"Sir, iyo na lang ang sarong ko, umuwi ka muna ng hotel room mo't magshorts ka para mo nang awa." Pero ito, grabe, parang kahit maglakad sila sa Ayala nang ganun lang ang suot, di ako maasiwa...well, malamang mapapatitig nang matagal. Tapos sasabihin ko sa sarili kong, "Easy ka lang, wag kang gagalaw, baka magising ka."

Wala, kasi nakakatuwa lang. Parang pang-hero na katawan, pero totoong tao!

Richard asked me how my weekend went, sabi ko ayus naman, watched 300--he should watch it too ang sabi ko. Sabi nya, "Some people said it's too violent" Sabi ko, oks lang kasi mukhang pang-comics(graphic novel pala dapat) ang treatment, kaya di ka naman mago-gross out. Sabay hirit, "And those abs were just amazing!"
...medyo may pause...
Richard: Uhm, so is there something that men can appreciate in that film?
Cey: ...
Richard: ... I meant real men.
Cey:...
Cey:...Uhm, they had good lines. Well some were good in a Hollywood kind of way, but some lines were really nice.

Panis, di ko man lang nasabi na astig yung fight scenes, galing ng interaction ng mga actors sa isa't isa (parang gusto mong maki-comrade sa kanila...although kung andun ako baka iba ang intensyon ko sa pag-akbay sa kanila. joke lang regi), maganda yung shots, basta magaling, magaling. And to think na ang bata lang ng direktor!

Pero wala akong nasabi kasi puno pa ang utak ko ng abs. Abs, abs, na kay tigas parang kaya nilang tumayo ng kusa. Di ko akalaing pwede palang magka-8 pack! Talo pa ang beer.

Inspiring film nga naman. Not only because of the 'virtues' or beliefs the movie so oh-so-passionately portrayed--na tipong after watching the movie maiisip mo, walang imposible! Kaya natin 'to! Basta steadfast ka sa iyong paniniwala't prinsipyo, hindi ka mabibigo (kahit pa-ulanan ka pa ng pana ng kalaban at mamatay ka pa) Wag nilang ismolin ang Pilipinas...sama-sama, uusad tayo't magwawagi. (well, di ko naman naisip yun, pero siguro kung gumagawa ako ng HS reaction paper isusulat ko yun) Pero I'm sorry kung ang babaw, unang thought as I got up my chair: Hanep, kaka-inspire mag-work out.


***well, yung susunod na thoughts mala--ang saya siguro ng ni Frank Miller, ni Zach the direktor, mga artista, everyone part of the prod team, to have made something so great. Sana ako rin balang araw makagawa ng ganun. Di naman pelikula, pero basta something sa life. (ayun, at magakaron ng machong katawan.)

Wednesday, March 07, 2007

Nagkita kami ni Ligaya.

Wooooohoooooooo!!!!
Yun lang. Sabi ni lilit, bakit daw ang lungkot ng laman ng blog ko. Hmmm, may punto. Kasi nga naman, pag malungkot ako, mas masarap tumalungko na lang sa upuan, magmuni-muni at kausapin ang sarili ko't mag-blog, kesa ang hawaan pa ng ka-bad tripan ko ang ibang tao.

Pero ngayon, para hinding-hindi ko ito makalimutan isusulat ko na...woooohooooo! Just came from a meeting at nakarinig ako ng matatamis na salita. (Kasing-tamis ng Sticky strawberries & cream traditional handmade candies galing kay Dax.)

"I liked it, I really really liked it." Ika nga ng dalawang kliyente.

Not one, but two. Jackpot!

Woooohoooooo!!!! Kahit na ang simple lang naman nung ginawa namin. Basta, masarap masarap marinig. Wala na kong masabi. Ika nga ni Homer Simpson, (one more time! kamon kamon) Wooooohooooooo!!!!!!

*mental note: tawagan si Francis, ang CSR ng SCB na sinungitan last week. pasalamatan sya sa kagalingan nyang mag-handle ng isang mainit na ulong tinubuan ng tao at nagtatatalak dahil nalabuan sa credit card statement. sabi mo gagawin mo last week, wag mong kalimutan. pay it forward.

Tuesday, March 06, 2007

On a Marchy Tuesday, 6 years ago.

What was I doing then?
Probably counting the minutes 'til dismissal. Tapos direcho na ng ICTUS Tambayan. Yung ganitong klaseng sikat ng araw, bandang hapon, can't help but reminisce about the good 'ol college days. Walang pasok bukas, kaya pwedeng tumambay nang todo. Baka pupunta ng SC para magtapsilog sa Rodic's. Merienda pa lang yun. O kaya, pupunta sa coop para mag'grocery' ng biskwit na Smiley na pwedeng i-stock sa sasakyan--para dun sa mga panahon na bigla akong ginugutom habang nasa daan (o kaya mas trip 'tong ibigay sa nanlilimos kesa barya.) Pero bago pumunta sa tambayan, siguro dadaan muna ng Lib, konting research para sa kung ano mang paper na kailangang i-submit within the week o next week. Para di nakaka-guilty sakaling mapatagal ang pagtambay at pakikipagchikahan. Siguro magkikita kami nila Maui at Eca. Uupo sa bangketa sa labas ng simbahan, pag-uusapan ang mga nangyaring exciting sa buong linggo. Pagkkwentuhan yung mga crush sa iba-ibang mga klase. Pati yung mga crush ng crush namin pagkkwentuhan din, tapos iisipin kung ano kaya yung meron sila na wala kami. Tapos sabay-sabay namin ico-console ang isa't isa with statements like, "Di bale, mas maganda ka dun." o kaya, "E sus, di naman nya type yung guy, so wala din." or "Mas payat ka naman sa kanya."
Tapos, tapos na. Magyayayaan kami pumunta sa SC uli para mag-ikot lang. O kaya pag-uusapan kung ano bang susunod na proyekto ng ICTUS. Basta magtatawanan lang sa mga kung ano-anong bagay. Mapapaisip paminsan-minsan kung yung kabag ba ng tyan dahil sa init ng semento, o sa katatawa. Mainit, medyo nagpapawis-pawis ang likod at kleks, pero oks lang. Peyups days, wala pang arte sa katawan. Basta masaya lang...kahit iniisip yung papers na kailangang i-submit, at nalalapit na finals sa kung sa'n man. Pero exciting, kasi malapit na'ng mag-summer. Wala nang klase. Pero mag-summer classes kaya tayo? Para bawas na ang load next year pag nag-thesis. Mas madaling gagraduate. Tapos pwede na'ng maghanap ng trabaho.

Teka lang, tambay muna tayo.