Ephemeral. When you get older, it's amazing how handy this word becomes in describing relationships. Not all I hope, but some. It's not that you want them to be, but that's how things turn out. Either that or erratic; more like sporadic. The longer you go through life, the easier it is to accept that you're going to go through it for the most part alone. Sad? Not necessarily. But true.
That's bokbok speaking. Ang hari ng pagmumukmok. Panira ng ligaya. Tagahila sa realidad pag nakaangat masyado ang ulo ko sa ulap.
Pero may punto. Kaya siguro mas madali maging detached. Para pag may nawala, di kailangang kalungkutan. Kaso nga lang, mejo hilaw pag dating sa pag-aalaga sa mga dapat alagaan, sa pagsabi ng 'i love you' dun sa nararapat.
O baka masyado lang akong nag-iisip. Diba sabi nila, start with the end in sight. Tama ba? Sa tamang konteksto, oo. So it's easier to see your goal, to visualize, imbibe what lies after the finish line.
Pero, pwede bang magsimula nang di tinatanaw kung anong nasa dulo? Minsan kasi nakakatakot lang isipin what lies ahead. Pero di kaya unfair yun sa kasabay kong tumakbo? Ewan. Bahala na. A basta.
E ano ba kasi ang kinatatakutan ko sa dulo? Kasal? Hiwalayan? Pagpapamilya, o pag-iisa? Ba't ko ba 'to iniisip?
Ewan.
Basta, wala namang sigurado sa mundo. Isa isa lang. Isa-isa lang muna. Kung ano-ano kasing pinoproblema, di naman kailangan. Itigil ko na nga to.
Eto lang. Sana kung ano man ang ending, walang masasaktan. Lahat masaya. Ano ba 'to. Tumatanda na ata ko. Wag masyado, ayoko.
Monday, April 03, 2006
Subscribe to:
Posts (Atom)